^

Bansa

OFW na bibitayin sa Saudi humihingi ng tulong

-

MANILA, Philippines - Humingi ng tulong sa Department of Foreign Affairs ang isang Pinoy na nakapila sa death row sa Dammam para makakuha ng Royal pardon na ibinibigay ng Hari ng Saudi Arabia.

Ang death convict na si Dondon Lanuza na nakakulong ngayon sa Dammam Central Jail ay nanawagan sa pamamagitan ng Blas F. Ople Policy Center para makakuha ng tulong mula sa DFA at embahada ng Pilipinas upang makakuha ng Royal pardon mula sa Hari ng Saudi.

Ayon kay BFO Policy Center President Susan Ople na tumatakbo din senador sa 2010 election, 120 preso ang napalaya matapos na mabigyan ng Royal Pardon noong Disyembre 11, 2009 ni King Abdullah bin Abdul Aziz Al Saud.

Nadiskubre din ng BFO mula sa isang text message ng OFW na si Jess Pamintuan na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ito dahil sa kawalan ng ayuda mula sa embahada ng Pilipinas. Si Pamin­tuan ay una ng nasentensiyahan ng Saudi court na makulong ng siyam na buwan, kaya naman umapela si Ople kay Vice president Noli de Castro na personal na tumungo sa Saudi para makapagbigay ng angkop na tulong para sa mga nakapiit na OFWs para sa posibilidad na pagpapalaya sa mga OFWs dito. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ABDUL AZIZ AL SAUD

BLAS F

DAMMAM CENTRAL JAIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DONDON LANUZA

ELLEN FERNANDO

HARI

JESS PAMINTUAN

KING ABDULLAH

OPLE POLICY CENTER

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with