Covenant of peace isinulong ni Gibo

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro ang ‘national convent of peace and cooperation’ para sa lahat ng kandidato at stakeholders sa 2010 elections upang maiwasan ang karahasan.

Nais ni dating Defense Secretary Teodoro na mag­karoon ng tahimik at ma­ayos na halalan kaya nais niyang magkaroon ng covenant of peace ang lahat ng kandidato upang maiwasan ang anumang election-related violence tulad ng nangyari sa Ma­guin­danao.

Ayon naman sa taga­pagsalita ni Teodoro na si Zam­bales Rep. Mitos Mag­saysay, ang covenant ay ina­asahang pagkaka­isa­han ng lahat ng kandidato sa ilalim ng pamamahala ni Chief Justice Reynato Puno ng Moral Forces Movement at Parish Pastoral Council for Responsible Voting head Henrietta de Villa.

Siniguro din ni Teodoro ang isang liderato na ‘healing­ and political reconciliation’ upang magkaroon ng toto­hanang pagkakaisa ang lahat kahit mula man ito sa ibang partido o grupo para magkaisa tungo sa kabutihan ng bansa at taumbayan. (Rudy Andal)

Show comments