Takot malason, pagkain di tinanggap, Ampatuan natulog sa labas ng selda

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Atty. Ricardo Diaz, hepe ng National Bureau of Investigation-Counter Terrorism Unit (CTU) at tagapag­salita para sa Maguin­danao massacre case, na mahig­pit ang seguridad ni Datu Unsay Mayor Andal Am­patuan Jr., kahit pa pina­­yagan itong matulog sa labas ng selda.

Pinahiga na lamang umano si Ampatuan sa bangkong mahaba na malapit sa visitor’s area su­balit may barb wires umano na nakapagitan sa kani­yang tinulugan, na bahagi pa ng labas ng jail at visi­tor’s area.

Nilagyan ng bentilador ang tapat niya dahil na­iinitan subalt nagkumot umano ng comforter.

“He has a lawyer working 24 hours by shift. But the lawyers are only staying at the visitor’s area and nakita ni’yo naman may barb wires separating the visitors from the prisoners. Ganyan ka-secured iyong jail. So may barb wire hindi talaga siya makakatakas dun tapos dami bantay. Pag kinausap siya ng visitors may pagitan ng barb wires,” pahayag ni Diaz.

Ibinunyag din ni Diaz na dahil sa mga banta sa buhay ni Ampatuan, hindi nito kinain ang ipinahatid na pagkain na sinasabing nanggaling sa mga ka­anak. (Ludy Bermudo)

Show comments