6,080 kukuha ng Bar

MANILA, Philippines - Inilabas na kahapon ng Korte Suprema ang kumpletong listahan at bilang ng kukuha sa 2009 Bar examination ngayong apat na linggo ng September.

Sinabi ni Bar Confidant head Atty. Ma. Cris­tina Layusa, umaabot sa 6,080 ang bilang ng mga examinees ngayong taon na isasagawa simula September 6,13,20 at 27 sa Dela Salle University sa Taft Ave., Manila.

Matatandaan na noong 2008 Bar Exams may kabuuang 6,550 mula sa 109 law schools sa bansa ang kumuha ng pagsu­sulit subalit 6,533 lamang ang pinayagan na ma­kakuha habang ang 158 na mga examinees ang hindi su­mipot sa unang araw ng pagsu­sulit ha­bang ang iba ay hindi na tinapos.

Topnotcher sa 2008 Bar exams si Judy Lardi­zabal ng San Sebastian College-Recoletos graduate na nakakuha ng 85.70 percent.

Lumalabas na noong 2001 ang may pinakama­raming pumasa na uma­bot sa 32.89 percent o 1,266 mula sa kabuuang 3,849 na examinees, samanta­lang noong 2006 naitala ang may pina­kamaraming mga aspi­ranteng abogado na umabot sa 6,187 ang kumuha ng bar subalit 1,893 o 30.60 ang naka­pasa.

Inaasahan namang ilalabas ang resulta ng 2009 Bar exams sa Abril 2010. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments