^

Bansa

Duque pinatatahimik sa AH1N1

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines – Ipinahiwatig kahapon ni Senator Joker Arroyo na magkaroon ng news blackout kung ilan na ang tinatamaan ng AH1N1 sa Pilipinas dahil hindi na­man umano nakakatu­long ang pag-aanunsiyo nito.

Ayon kay Arroyo, mas dapat pagtuunan ng pan­sin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at ng media ang paghahatid ng impormasyon kung ano ang dapat gawin para masugpo ang AH1N1 at iwasan na ang paghaha­yag na patuloy na tuma­taas ang bilang ng mga may sakit.

Nakakasira umano sa imahe ng bansa ang pa­tuloy na pagtaas ng bi­lang ng may AH1N1 na araw-araw namang ina­anunsiyo ni Duque.

Sinabi pa ni Arroyo na parang ipinagyayabang pa ng mga nag-aanun­siyo ang patuloy na pag­dami nang nagkakasakit ng AH1N1 at hindi iniisip ang masamang implikas­yong idudulot nito.

Lumalabas aniya na dahil patuloy ang pag­dami ng nakaka-H1N1, hindi kayang kontrolin ng gobyerno ang sitwasyon.

Sinabi naman ni Se­na­tor Richard Gordon sa Ba­ litaan sa Senado na dapat ipakita ng gobyerno na kon­trolado nito ang sitwasyon dahil naaapek­tuhan na rin maging ang turismo.

“It’s bad for our country because we can’t seem to show the world that we are getting our act together. Yung tourism mo magsu-suffer,” sabi ni Gordon.

Dapat umanong ipa­alam sa mga mamama­yan kung ano ang dapat talagang gawin dahil si­guradong kakalat pa ang nasabing sakit.

Pagsuspinde sa klase sa lahat ng eskwelahan giit

Kaugnay nito, muling iginiit ni Gordon na dapat suspindehin ng sabay-sabay ang klase sa lahat ng eskuwelahan bilang tugon sa problema.

Maari aniyang magkaroon ng plano ang Department of Education (DepEd) katulad nang pagpapadala ng mga lesson plan sa bahay ng mga estudyante.

Pero nilinaw ni Gordon na ang DOH pa rin at hindi ang DepEd ang dapat na magdesisyon para sa pagsuspinde ng klase.


vuukle comment

AYON

DAPAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

GORDON

RICHARD GORDON

SECRETARY FRANCISCO DUQUE

SENATOR JOKER ARROYO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with