Anti-government nasa likod daw ng ‘krisis sa bigas’
Ang grupo na kumakalaban sa pamahalaan ang siyang nasa likod ng mga maling balita na may krisis sa bigas sa bansa.
Sa Kapihan ng Bayan forum sa Quezon City kahapon, sinabi ni Malacanang Deputy Spokesperson Anthony Golez na nananatiling sapat ang suplay ng bigas at walang kakulangan nito ang bansa dahil may sapat na imbak na bigas ang National Food Authority na mas mataas pa noong nakaraang taon.
Kaugnay nito,sinabi naman ni Shiela Damasco, presidente ng NFA retailers ng National Capital Region, tama ang sinasabi ni Golez’ na may sapat na suplay ng bigas sa bansa at walang rice crisis. Gayunman, kailangang magsagawa ng epektibong pamamaraan ang NFA tulad ng mga kaukulang regulasyon para sa mga retailers. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending