^

Bansa

2 opisyal sa nursing exam leak pinakakasuhan

-

Inirekomenda na ng Department of Justice na isulong sa korte ang kasong criminal laban sa dalawang mataas na opisyal ng kilalang nursing review center dahil sa umano’y pagiging responsable sa naganap na umano’y dayaan sa nursing board exam noong nakaraang taon.

Sa 18-pahinang resolution ng DoJ panel of prosecutors, may nalabag na batas sina Ricarte Gapuz Jr., director­ ng Gapuz Review Center  at George Cordero, pangulo ng Intress Review Center.

Ang mga ito ay maaaring makulong mula anim hang­gang 12-taon kung mapapatunayan na guilty sa pag­pa­pakalat ng mga questionnaires bago isagawa ang pagsusulit.

Sa imbestigasyon, lumalabas na positibong itinuro ng mga testigo sina Gapuz at Cordero na siyang nagbigay ng mga tanong na eksaktong lumabas sa exam.

Inabsuwelto naman ng prosecution ang iba pang opisyal ng Gapuz at Inress at ang lahat ng mga opisyal ng Pentagon Review Center.

Gayunman, ipinaliwanag ng DoJ na maaaring ituloy ang kaso laban sa mga opisyal ng Pentagon kung may lilitaw na bagong ebidensiya laban sa mga ito. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

CORDERO

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAPUZ

GEORGE CORDERO

PLACENAME

RICARTE GAPUZ JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with