^

Bansa

Sa panggigipit ng mga Arroyo: Tsansa ni Cayetano sa Senado, siniguro

-
Mas lumalaki umano ang tsansa ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na manalo sa Senado sa susunod na taon dahil na rin sa nararanasang panggigipit ng pamilya Arroyo sa pangunguna ni First Gentleman Mike Arroyo.Ayon kay Anakpawis Rep. Crispin Beltran, ginagawa lamang ni Cayetano ang kanyang trabaho bilang mambabatas sa pamamagitan nang pagsisiwalat sa publiko ng mga nalalaman niyang katiwaliang ginagawa ng mga naka-upo sa gobyerno. Mas pinapasikat pa umano ngayon ng mga Arroyo si Cayetano kaya masasabing libre na ang nakukuha nitong publisidad sa media.

Sigurado rin aniyang maraming kabataan ang boboto kay Cayetano dahil sa ipinapakita nitong prinsipyo. Tinanggap ng House ethics ang reklamong inihain ng pamilya Arroyo laban kay Cayetano na nag-ugat sa umano’y multi-million dollar account ng mga Arroyo sa Germany. (Malou Escudero)

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ANAKPAWIS REP

AYON

CAYETANO

CRISPIN BELTRAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

MALOU ESCUDERO

SENADO

SIGURADO

TAGUIG-PATEROS REP

TINANGGAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with