^

Bansa

Pagsibak kay Borra, magbabalik raw ng tiwala sa Comelec

-
Naniniwala ang Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) na ang ginawang rekomendasyon ng Ombudsman na sibakin at kasuhan si Comelec Commissioner Resurreccion Borra at lima pang opisyal ay magiging daan para sa isang tunay na electoral reform na magbabalik ng tiwala sa kredibilidad ng Comelec.

Ayon kay Atty. Jose "Nonong" Ricafrente, PDSP spokesperson, ang desisyon ng Ombudsman ay nararapat lamang dahil ito ay simula na upang madikdik ang mga sangkot sa maanomalyang counting machines. Subalit sinabi ni Ricafrente na dapat pa ring palawakin ng graft investigators ang kanilang imbestigasyon dahil posibleng hindi lamang si Borra ang malaking isda na sangkot sa anomalya.

Lumilitaw na si Borra ay responsable sa maanomalyang bidding dahil siya ang hepe ng nasabing automation project. Inutos din ang dismissal sa apat na miyembro ng Bids and Awards Committee bunga na rin ng kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service, na kinabibilangan nina Eduardo Mejo, Jose Balbuena, Jr., Lamberto Llama, Bartolome Sinocruz at Gideon de Guzman.

Pinagbabawalan din ang mga ito na pumasok sa anumang public service kasabay ang forfeiture ng kanilang retirement benefits. (Ellen Fernando)

vuukle comment

BARTOLOME SINOCRUZ

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BORRA

COMELEC COMMISSIONER RESURRECCION BORRA

EDUARDO MEJO

ELLEN FERNANDO

JOSE BALBUENA

LAMBERTO LLAMA

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

RICAFRENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with