^

Bansa

Pagpapadala ng ringtones, etc. ng walang pahintulot bawal

-
Ipagbabawal na ang pagpapadala ng mga ringtones, video at picture messages na hindi hinihiling ng subscriber, ito ay kung aaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 2088 na tinawag na "Unsought Cellular Mobile Phone Services Act of 2005".

Layon ng panukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na patawan ng multa at parusa ang mga telecommunication company na mapapatunayang kinakaltasan ang prepaid card o dinagdagan ang bill ng subscriber na nakatanggap ng inaalok nilang serbisyo.

"Numerous complaints have reached my office regarding the propensity of telecom companies to barrage their subscriber with unwanted services, such as ring tones, polyphonic tones and video and picture messages, and then automatically charge these to their subscribers," paliwanag ni Santiago.

Binigyang-diin ng senadora na ang subscriber lamang ang dapat magdesisyon kung paano nila uubusin ang laman ng kanilang load at hindi sa pamamagitan ng sangkaterbang promo na ipinapadala ng mga kumpanyang ito. (Rudy Andal)

vuukle comment

BINIGYANG

IPAGBABAWAL

LAYON

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

RUDY ANDAL

SENADO

SENATE BILL NO

SUBSCRIBER

UNSOUGHT CELLULAR MOBILE PHONE SERVICES ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with