^

Bansa

Subpoena kay Gringo inilabas

-
Pinadalhan na ng Department of Justice (DOJ) ng subpoena si Senador Gregorio Honasan upang sagutin ang kasong kudeta na kinakaharap nito.

Ayon kay Justice Undersecretary Merceditas Gutierrez, inaprubahan na ng 5-man panel of prosecutors ang pagpapadala ng subpoena laban kay Honasan upang makapagsumite ng kanyang counter affidavit hinggil sa nasabing kaso.

Ang subponea ay ipinadala sa bahay ni Honasan sa Marcos st., Industrial Valley, Marikina City at sa tanggapan nito sa Senado.

Si Honasan at ang limang kasamahan nito na sina ret. Col. Romeo Lazo, ret. Col. Virgilio Briones, George Duldulao, Ernesto Makahiya, Lina reyes, Capt. Felix Turingan ay binigyan lamang ng 10-araw upang magsumite ng kanilang counter affidavit.

Umaasa ang prosecution na dadaluhan ni Honasan ang mga isasagawang preliminary investigation na magsisimula sa August 18.

Tiniyak naman ni Gutierrez na hindi pa magpapalabas ng hold departure order (HDO) ang DOJ at Bureau of Immigration upang hindi ito makalabas ng bansa.

Aniya, bagamat itinuturing na security risk si Honasan sa bansa ay hindi pa muna ito dapat isyuhan ng HDO dahil nagsisimula pa lamang naman ang paglilitis ng prosecution laban dito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERNESTO MAKAHIYA

FELIX TURINGAN

GEORGE DULDULAO

HONASAN

INDUSTRIAL VALLEY

JUSTICE UNDERSECRETARY MERCEDITAS GUTIERREZ

MARIKINA CITY

ROMEO LAZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with