Kano puwedeng manatili sa bansa hangga't di nalilipol ang Sayyaf

Pabor ang isang mambabatas na manatili ang mga sundalong Amerikano sa bansa hanggat hindi nalilipol ang Abu Sayyaf Group.

Sinabi ni House Assistant Majority Leader Frank Perez na walang masama kung manatili dito ang mga sundalong Kano subalit dapat na magkaroon ng limitasyon ang kanilang trabaho.

Ani Perez, lubhang kailangan ng mga miyembro ng AFP ang logistical at technical support ng mga sundalong Amerikano upang maging epektibo ang kanilang paglaban sa ASG.

Hindi anya masama kung magtulungan man ang Pilipinas at ang Amerika dahil parehong kasama ang dalawang bansa sa international coalition against global terrorism. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

Show comments