^

Bansa

Strunk lusot na sa Nida slay

-
Tuluyan nang iniligtas ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) si Rod Lauren Strunk sa kaso ng pinaslang niyang asawang si Nida Blanca.

Nabatid mula sa isang mapagkakatiwalaang source mula sa DoJ na napilitan ang prosecutors sa pangunguna nina State Prosecutor Emmanuel Velasco at Prosecuting Attorney Irwin Maraya na idismis ang kaso laban kay Strunk dahil sa ginawang pagbaligtad ng self-confessed killer na si Philip Medel.

Gayunman, nakasasalay na lamang ngayon sa lagda ni Chief State Prosecutor Jovencio Zuno kung kakatigan nito ang ginawang rekomendasyon nina Velasco.

Batay sa naunang mga desisyon ng Supreme Court (SC), ang isang testimonya na ginawa sa harap ng mga mamamahayag ay tinatanggap na ebidensiya sa korte.

Ngunit sa kabila nito, binanggit ng source na maaari pa rin namang isampa muli ang kaso laban kay Strunk kung may bagong ebidensiya na makikita ang National Bureau of Investigation (NBI).

Dahil hindi naman sumailalim sa arraignment si Strunk kaya wala umanong "double jeopardy" sa kaso at hindi magiging dahilan para pagbawalan ng DOJ na magsampa uli ng kaso laban kay Strunk.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Hernando Perez na inatasan na niya si Zuno na kumuha pa ng karagdagang ebidensiya mula kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief Director Nestorio Gualberto. Ang mga bagong ebidensiya ay puwede pa ring pagbasehan ng DOJ na maaaring isulong laban kay Strunk.

Magugunita na biglang bumaligtad noong Biyernes si Medel sa nauna nitong testimonya kung saan sa harap ng media ay pinagsigawan nitong hindi niya kilala si Strunk at iginiit na siya ay dinukot at tinorture para aminin ang pagpatay sa beteranang aktres.
DOJ duda pa rin kay Strunk
Nagpahayag pa rin ng pagdududa si Justice Secretary Perez sa naging reaksiyon ni Strunk noong gabi na ipaalam dito na patay na ang kanyang asawang si Blanca.

Sinabi ni Perez na naging ‘defensive’ si Strunk at kumuha agad ito ng abogado upang siyang humarap sa mga taong nais siyang imbestigahan hinggil sa pagkamatay ng aktres.

"Nagulat lang ako noong ini-inform siya na patay na si Ms. Nida Blanca at sinabi sa kanya na kailangan niyang makipag-cooperate sa gagawing imbestigasyon, sinabi niya agad na ayaw niya munang magsalita at kailangan niya ng abogado, eh, wala naman kaming sinasabi na suspect na siya at that time, so nakakapagtaka lang,"
pahayag ni Perez.

Idineklara rin ni Perez na hindi pa isinasara ang imbestigasyon laban kay Strunk at sa kahit na sino pang suspect sa pagkamatay ni Blanca.
‘Tumorture’ kay Medel kinilala
Kahapon ay pinangalanan ni Medel ang tatlong tauhan ng CIDG na umano’y nag-torture sa kanya. Kinumpirma naman ng CIDG na tao nila ang mga nagngangalang Ruiz, Morzo at Hernandez na binanggit ni Medel.

Hindi naman natuloy ang takdang lie at psychiatric tests ng NBI kay Medel at inuna ang neuro test dito na isang mandatory examination para mabatid kung nasa katinuan ito ng isip at nagsasabi ng totoo.

Patuloy rin iniimbestigahan ng NBI ang salaysay ng lumutang na bagong testigo na si T/Sgt. Meliton Viscaya, 50, dating miyembro ng Phil. Army kaugnay sa umano’y paglapit sa kanya ng dalawang tomboy para kontratahin siya upang patayin si Blanca kapalit ng halagang P100,000 bilang kabayaran.
Napolcom nag-imbestiga na
Inumpisahan na ng Napolcom ang malalimang imbestigasyon sa alegasyon ni Medel na dinukot siya at tinorture para aminin ang pagpatay kay Blanca.

Maliban sa pagkakasibak sa serbisyo, sasampahan rin ng kasong kriminal ang mga elemento ng Task Force Marsha sakaling mapatunayang umabuso ang mga ito sa tungkulin. (Ulat nina Grace Amargo, Joy Cantos at Ellen Fernando)

vuukle comment

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCIO ZUNO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP CHIEF DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELLEN FERNANDO

GRACE AMARGO

KAY

MEDEL

PEREZ

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with