Angara tumangging makipagtulungan sa administrasyon

Nasorpresa si Education Secretary Raul Roco sa umanoy ginawang pagtanggi ni dating Senador Edgardo Angara, pangulo ng Laban ng Demokratikong Pilipino o LABAN sa alok na makipagtulungan kay Pangulong Arroyo.

Sa isang panayam kay Roco,inaasahan niya na tatangapin ng mga miyembro ng oposisyon dahil ito naman ay para sa kapakanan ng bansa.

Pero ang sinabi umano ni Angara na ang oposisyon ay hindi maaaring makipagmabutihan sa PPC hanggang hindi umano tinitiyak ng Pangulong Arroyo ang pag-iral ng katapatan at kalinisan ng katatapos na halalan. (Lilia Tolentino)

Show comments