Derrick at Elle, pahinga muna sa hubaran

Elle Villanueva at Derrick Monasterio

Babalutan naman ang mga katawan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa bagong GMA series na gagawin nila na ang title ay Makiling.

Eh nung huling pagtatambal nina Derrick at Elle, hubad madalas si Derrick habang seksi-seksihan si Elle sa kasuotan lalo na’t sa beach ang madalas na setting ng series.

Of course, nagkakamabutihan na ang dalawa ngayon. Kaya mas kampante na sila kung may gagawing daring scenes, huh!

Pero ayon sa report, ang character nila ay nakatira sa ibaba ng bundok Makiling. So, damit na damit naman sila?

Gayunpaman, kung may maiinit mang eksena, parang normal na ‘yon kina Derrick at Elle! Normal daw, o! Ha! Ha!Ha!

Kasama nina Derrick at Elle sa Makiling sina Thea Tolentino at Kristoffer Martin.

Marian, lumarga na kay Gabby

Lumarga na si Marian Rivera sa taping ng bago niyang GMA series with Gabby Concepcion.

Dapat sana Yan at Gabby ang magkapareha sa The First Yaya. ‘Yun nga lang, dahil kasagsagan ng pandemic, nag-excuse muna si Marian sa pagtatrabaho sa labas.

Pero bago sumabak sa trabaho todo paliwanag si Yan sa anak niyang si Zia at inihabilin ang pag-aalaga sa batang kapatid na si Sixto.

Ratsada bago matapos ang taon sina Dong at Yan dahil sa entry nilang Rewind sa 2023 Metro Manila Film Festival! 

Show comments