^

Banat Palaro

Yulo hakot ng 4 golds sa Asian meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo hakot ng 4 golds sa Asian meet
Gymnast Caloy Yulo
Photo courtesy of GAP

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni world champion at Paris Olympics-bound Carlos Edriel Yulo na siya ang hari sa Asya matapos humakot ng apat na gintong medalya sa 2024 Asian Championships Senior Men’s Artistic Gymnastics na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.

Maningning ang naging ratsada ni Yulo sa apat na araw na kumpetisyon kung saan una itong kumana ng ginto sa men’s individual all-around matapos makalikom ng 84.931 kabuuang puntos.

Magandang resbak ito para kay Yulo na nagkasya lamang sa pilak sa parehong event noong 2022 edisyon sa Qatar at noong 2023 sa Singapore.

Agad itong sinundan ni Yulo ng gintong medalya sa kanyang paboritong floor exercise sa ikalawang araw ng kumpetisyon.

Nagrehistro si Yulo ng 14.933 points para payukuin sina silver medalist Milad Karimi ng Kazakhstan na may 14.600 points at Yang Yanzhi ng China na may 14.200 points.

Sa huling araw ng kumpetisyon noong Linggo ng gabi, dalawang gintong medalya pa ang nadagdag sa kaban ni Yulo nang ma­depensahan nito ang kanyang korona sa vault at parallel bars.

Hataw si Yulo ng 14.883 puntos para kubrahin ang unang puwesto laban kina second placer Abdulaziz Mirvaliev ng Uzbekistan na may 14.783 points at third placer Sharul Muhammad Aimy ng Malaysia na may 14.466 points.

Makulay na tinapos ni Yulo ang kampanya nito nang pagharian nito ang parallel bars tangan ang 15.133 points at talunin sina Chinese Yin Dehang (15.033) at Uzbek Rasuljon Abdurakhimov (14.866.)

Nagkasya lamang sa ikaapat si Yulo sa horizontal bars (13.433) at ikaanim naman sa still rings (13.533).

Nagparamdam din ng lakas ang nakababatang kapatid ni Yulo na si Karl Eldrew na nakasikwat ng ginto sa boys’ vault bitbit ang 14.433 points.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with