^

Pang Movies

Movie ni Vilma, ipalalabas sa Europe

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa bandang kalahatian ng taon aalis ng bansa si Ate Vi (Vilma Santos), kasama ang director at producer din ng isa niyang restored film na naimbitahan sa isang major filmfest sa Europe. Hindi naman iyon ilalaban sa mga bagong pelikula para sa awards kundi siyang featured film sa kanilang marketing line-up.

Na-excite naman si Ate Vi sa nasabing lakad dahil iyon ang kanyang advocacy sa ngayon, ang mapabalik ang mga tao sa mga sinehan at palawakin ang market ng pelikulang Pilipino.

Diumano natawag naman ang pansin ng organizers ng festival dahil na-monitor nila ang paglabas ng pelikula ni Ate Vi na When I Met You in Tokyo sa iba’t ibang sinehan sa US at Europe kaya ni-research din nila ang mga magagan­dang pelikulang kanyang nagawa na at naging interesado sila sa Bata Bata Paano Ka Ginawa.

Kung iyan ay mangyayari masasabi nating hindi lang nanalo ng awards si Ate Vi, pero madadala pa niya ang pelikulang Pilipino para maipalabas sa seven continents.

Kailangan nating kumilos talaga. Kailangang sumali tayo sa festivals hindi para sa awards kundi para mapalawak ang ating film market, iyan lang ang mag-aangat sa industriya ng pelikulang local sa Pilipinas ayon kay Ate Vi.

Tama naman ang sinabi niya, panay ang sali natin sa festivals sa abroad, na ang hangad natin ay manalo ng awards.

Dingdong, ayaw tantanan sa anak sa labas!

Ano ba naman iyan matapos na sabihin ng dating child star na si Lindsay De Vera na walang katotohanan ang kumakalat na tsismis sa kanila ni Dingdong Dantes at linawin mismo ni Dingdong na hindi nga totoo iyon, aba may sources na naman daw na nagsasabing totoo iyon at ngayon ay limang taong gulang na ang kanilang anak.

Sige mukhang hindi pa sila nadadala sa cyber libel.

Sige lang cyber libel pa more.

Manang Bola ng Batibot, pumanaw na

Si Priscila Rose Nalundasan ay hindi masyadong kilala bilang isang artista pero ang character na binigyang buhay niya noon sa local production ng Batibot na siyang local version ng Sesame Street, si Manang Bola, ay kilalang-kilala ng mga batang nabuhay noong panahong iyon, tulad ko.

Hindi nawawala sa aming isipan ang manghuhulang si Manang Bola na laging nakalabas ang isang perlas na nagsisilbing bolang Kristal na sinasabihan niyang “Perlas na bilog, huwag tutulug-tulog. Sabihin sa akin ang sagot.”

At karaniwang mali ang sagot ng perlas na bilog.

Matagal ding napanood sa telebisyon ang local version ng Sesame Street.

Sayang nawala na si Manang Bola na pumanaw noong Biyernes ng umaga ayon sa kanyang anak.

Nakakahinayang din na wala na ang Sesame Street at ang Batibot.

Ang aming pakikiramay sa mga naulila ni Manang Bola.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with