^

Balita Ngayon

Enrique Gil ayaw pansinin ang pagkukumpara sa kanila ni Daniel

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ayaw nang pansinin ni Enrique Gil ang mga fans na nakukumpara sa kanila ni Daniel Padilla.

Sinabi ni Enrique na sana’y na naman siya sa mga pagkukumparang ginagawa sa kanila ni Daniel at hindi na lamang siya nagpapaapekto.

“Ganun talaga, wala tayong magagawa,” komento ni Enrique.

Nagkasama si Enrique at Daniel sa teleserye na “Princess and I” kung saan love triangle sila kasama si Kathryn Bernardo.

“Since Princess and I lagi kami magkasama, sanay na kami, sanay na sanay na. Minsan may maninira sa amin, we’re used to it," sabi ni Enrique.

“Just do your best so people talk about you, and give back to them,” dagdag niya.

Samantala, kabado si Enrique sa gagawing dance concert sa Nobyembre 29 sa Araneta Coliseum.

Inaalala niya kung mapupuno ba ang The Big Dome na may higit 18,000 seating capacity.

“Kasi di ba ang daming seats nun, ang daming kailangan punuin dun,” kuwento ni Enrique.

“Bahala na siguro, kahit ano na mangyari basta yung point ko, kung sino ang pumunta dun sa Araneta, sa show ko, gusto ko mag-enjoy sila," dagdag niya.

Tanggap naman ni Enrique kung hindi niya mapupuno ang makasaysayang venue, pero nangakong sulit ang ibabayad ng mga manonood.

“Yun lang talaga ang goal ko, kahit hindi mapuno, okay lang basta successful ang show tsaka lahat nang pumunta ay masasabing sulit yung binayad nila.”

vuukle comment

ARANETA

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

DANIEL PADILLA

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

KATHRYN BERNARDO

PRINCESS AND I

SINCE PRINCESS AND I

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with