^

Balita Ngayon

Shaina kay Piolo: 'He’s always been a good friend to me'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hanggang friends lang talaga ang pagtingin ni Shaina Magdayao sa Kapamilya hunk na si Piolo Pascual kasunod nang isyung may relasyon sila.

Kumalat ang tsismis na may relasyon sina Shaina at Piolo matapos kumalat ang kanilang larawan na magka-holding hands.

“Grabe naman. Agad-agad?” patawang sagot ni Shaina sa isyu.

“Magkaibigan po kami. He is a good friend. He’s always been a good friend to me,” paliwanag ng dating child star. “Wala talaga. Walang halong biro, pero wala talagang panahon ngayon.”

Busy si Shaina ngayon sa kanyang work kung saan makakasama siya sa teleserye nina Richard Gomez-Dawn Zulueta na pinamagatang “You’re My Home” na eere sa susunod na taon.

Kabilang din si Shaina sa pelikulang “Pagpag” na kasali sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

“Pinagdarasal ko ngayon, sana huwag po muna. This time, I believe that it can wait. It will wait,” sabi ni Shaina.

“Pero ngayon, sobrang daming opportunities na dumarating sa akin. Sobrang daming trabaho na hindi ko ine-expect. Kaya gusto ko munang i-value yun, gusto ko munang pangalagaan yun.”

Alam ni Shaina na masarap ang ma-in-love ulit pero iginiit niyang nais niya munang pagtuunan ng pansin ang kayang career.

“Hindi naman natin mapipigilan pag umibig tayo di ba? Yun na yun, e. And it’s such a wonderful thing na umibig muli, but I’m praying na sana huwag muna kasi napakaraming trabahong dumarating sa akin ngayon.”

Itinuturing naman ni Shaina ang You’re My Home bilang birthday gift.

“Sobra ko pong swerte, sobrang nagpapasalamat ako. Maagang pa-birthday gift ito, kasi November ang birthday ko di ba?” banggit ni Shaina.

"Itong proyektong ito, tinuturing kong birthday gift talaga from my network, my bosses kaya nagpapasalamat talaga ako,” dagdag niya.

vuukle comment

ALAM

DISYEMBRE

GRABE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY HOME

PIOLO PASCUAL

RICHARD GOMEZ-DAWN ZULUETA

SHAINA

SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with