^

Balita Ngayon

Tom Rodriguez nag 'Dengue Diet' bago rumampa sa Cosmo Bachelor bash

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tilian ang sumalubong sa paglabas ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez nang rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash 2013 kagabi sa World Trade Center Pasay City.

Bukod sa sexy na katawan, nagulat ang lahat nang magpakitang-gilas si Tom ng kanyang martial arts skills.

Sinabi ni Tom na last minute na niya naisip ang magpakita ng kanyang kakayanan sa paggamit ng tsako.

“‘Yun ang challenging na part sa pagrampa, eh, ‘yong kanya-kanyang gimik, wala talaga ako maisip as in last minute na. Kagabi galing shooting, pagkauwi ko, ‘Ano kaya gagawin ko?’ sakto nakita ko sa mantle piece ko ‘yong chako tsaka iba ko pang pang-martial arts,” kuwento ng My Husband’s Lover star.

Hindi inaasahan ni Tom ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga fans at alam niya na naging malaking bagay ang kanyang soap opera sa primetime ng GMA7.

“Kasi ang laki, totoo ‘yon, ang laki nang natulong sa akin ng GMA at ng My Husband’s Lover,” banggit ni Tom.

“Kaya part ng success namin dito at part ng tili ng mga tao ay dahil din sa kanila. Kaya grabe ‘yong gratitude,” dagdag niya.

Nang tanungin kung ano ang ginawa niyang paghahanda bago ang event, nagbiro si Tom na sumailalim siya sa “Dengue Diet.”

Nitong Setyembre lamang ay tinamaan ng Dengue si Tom kaya naman na-ospital siya nang matagal.

vuukle comment

ANO

COSMO BACHELOR BASH

DENGUE DIET

KAYA

MY HUSBAND

NITONG SETYEMBRE

TOM

TOM RODRIGUEZ

WORLD TRADE CENTER PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with