^

Balita Ngayon

Kampo ni Luy kay Napoles: 'Hindi kwalipikado maging state witness'

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaya ang kampo ng whistleblower na si Benhur Luy sa pagsuko ng kontrobersyal na negosyanteng si Janet Lim-Napoles matapos magtago sa mga awtoridad nang halos dalawang linggo.

Sinabi ng abogado ni Luy na si Levito Baligod na sa wakas ay gugulong na rin ang kaso laban kay Napoles na ipinaaresto ng Makati Trial Court sa kasong illegal detention.

"Masaya naman po kaming lahat," banggit ni Baligod sa isang panayam sa telebisyon ilang oras matapos sumuko si Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III Miyerkules ng gabi.

Kaugnay na balita: Napoles sumuko kay PNoy

"Finally sumuko na siya sa mga otoridad. Magbibigay daan ito para sa paglilitis ng kaso niya," dagdag ng abogado.

Samantala, sa tingin ni Baligod ay hindi maaaring maging state witness si Napoles.

Umugong ang usap-usapang maaari siyang maging state witness dahil marami siyang alam tungkol sa pork barrel scam, kung saan siya umano ang may utak dito.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Commission on Audit na maraming mambabatas ang nagpasok ng pera gamit ang kanilang Project Development Assistance Fund (PDAF) sa mga pekeng nongovernment organization ni Napoles.

"Sa aking tingin ay hindi siya qualified maging state witness," komento ni Baligod na tinukoy ang Section 9, Rule 119 of the Rules of Court kung bakit hindi maaaring maging kwalipikado si Napoles maging state witness.

"Dapat she should not be the most guilty. Lumalabas na isa siya sa most guilty," sabi ng abogado.

vuukle comment

BALIGOD

BENHUR LUY

JANET LIM-NAPOLES

LEVITO BALIGOD

MAKATI TRIAL COURT

MASAYA

NAPOLES

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PROJECT DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with