^

Balita Ngayon

Napoles hindi nagpaayos ng mukha - abogado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng abogado ng puganteng si Janet Lim-Napoles ang mga haka-hakang sumailalim ang kanyang kliyente sa plastic surgery upang hindi maaresto.

Sinabi ni Lorna Kapunan na malaking kalokohan na ipinagaya raw ni Napoles ang itsura niya upang makatakas.

"That is absurd... She had plastic surgery daw to look like me. That is why they could not find her," pahayag ng abogada sa isang panayam sa telebisyon.

Sinabi pa ni Kapunan na naniniwala siyang nasa bansa pa si Napoles dahil wala namang rason upang magtago siya.

"She has nothing to hide," sabi ni Kapunan tungkol sa arrest warrant ng Makati Trial Court kay Napoles at sa kapatid nito sa kasong illelal detention sa whistleblower na si Benhur Luy.

 "I am believing that she has nothing to hide, that she... will come forward," dagdag niya.

Para sa kanya, maling paraan ang pag-alok ni Pangulong Benigno Aquino III ng P10-milyong pabuya para sa ikadarakip ni Napoles.

Kaugnay na balita: P10M pabuya sa ikadarakip ni Napoles - PNoy

"They (authorities) are placing every obstacle in the way to her coming forward and surrendering herself," sabi ni Kapunan.

Dagdag niya na isinasaalang-alang ng kanyang kliyente ang kaligtasan niya bago sumuko sa mga awtoridad.

Si Napoles ang itinuturong nasa likod ng pork barrel scam kasama ang mga mambabatas na naghuhulog ng pera sa mga non-government organization mula sa kanilang Project Development Assistance Fund.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Commission on Audit na nakatanggap ang mga NGO ni Napoles ng P2-bilyon noong 2007-2009.

Kaugnay na balita: 10 NGO ni Napoles nakatanggap ng P2-B pork barrel

 

vuukle comment

BENHUR LUY

JANET LIM-NAPOLES

KAPUNAN

KAUGNAY

LORNA KAPUNAN

MAKATI TRIAL COURT

NAPOLES

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PROJECT DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with