Noy: Panahon na para i-abolish ang PDAF
MANILA, Philippines - President Benigno Aquino III on Friday called for the abolition of the Priority Development Assitance Fund (PDAF) or pork barrel of lawmakers.
Aquino made the announcement after the controversial pork barrel scam hit the headlines and a Commission on Audit report (COA) revealed certain irregularities in the PDAF from 2007 to 2009.
"...nakita natin sa mga ulat na lumabas nitong mga nakaraang linggo: kailangan pa ng mas malaking pagbabago upang labanan ang mga talagang pursigidong abusuhin ang sistema. Panahon na po upang i-abolish ang PDAF," ani Aquino.
Sinabi ng Pangulo na bubuo ng isang bagong mekanismo ang kanyang administrasyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamayan sa malinis at matuwid na paraan.
"Ngayon, bubuo tayo ng bagong mekanismo upang matugunan ang pangangailangan ng inyong mga mamamayan at sektor—sa paraang tapat, gamit ang tama at makatuwirang proseso, at nang may sapat na mga kalasag laban sa pang-aabuso at katiwalian," dagdag ng Pangulo.
Maraming mga mambabatas, kabilang ang ilang senador, ang umano'y ginastos ang kanilang PDAF sa mga pekeng non-government organization at mga pekeng proyekto.
Utak umano ng anomalya ang negosyanteng si Janet Napoles, na ngayon ay ipinaghahanap na ng mga awtoridad matapos isyuhan ng warrant of arrest ng Makati City regional trial court dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanya ni pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy.
Sa ulat na inilabas ng Commission on Audit nitong nakalipas na linggo, lumalabas na 74 na mga mambabatas ang sobra-sobra ang nakuhang PDAF simula taong 2007 hanggang 2009 at may 200 mambabatas din ang nagbagsak ng pinagsamasamang P6 na bilyon na pork barrel sa 82 kaduda-dudang mga non-government organization.
Inisa-isa ng Pangulo ang mga magiging bagong patakaran na dapat sundin bago makapagpalabas ng pondo para sa mga proyekto:
1. Itutuloy natin: Kailangang manggaling sa isang limitadong menu ang mga proyektong popondohan.
2. Ngayon, bawal na ang mga consumable na soft project tulad ng fertilizers, punla, gamot, medical kits, pustiso, paliga, training materials, at iba pang mga bagay na hindi masusuri kung totoo ngang may kinahihinatnan, o kung nagmumulto at pinagkakakitaan lamang.
3. Ngayon, bawal na rin ang mga panandaliang imprastruktura, tulad ng mga dredging, desilting, regravelling, o asphalt overlay project.
4. Ngayon, bawal na ring padaanin ang pondo sa mga NGO at piling GOCC tulad ng ZREC at NABCOR. Bubuwagin na po ang mga GOCC na ito at iba pang tulad nila, na paulit-ulit na ginamit sa kuntsabahan, at parang wala namang ibang silbi kundi ang maging instrumento ng katiwalian.
5. Ngayon, limitado na sa distrito o sektor ng mambabatas na nag-sponsor ang kanyang panukalang proyekto.
6. Ipagpapatuloy natin ang tapat at bukas na bidding para sa bawat proyekto; kailangang ipaskil sa Philippine Government Electronic Procurement System o PhilGEPS ang lahat ng mga bid notices at awards.
7. Patuloy din pong masubaybayan ng taumbayan ang implementasyon ng mga proyekto, ihahayag ito nang buo sa website ng DBM at kaukulang ahensya, pati na sa National Data Portal ng gobyerno.
Sinabi ni Aquino na hihingin niya ang tulong ng kanyang mga kaalyadong sina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. upang maituwid ang baluktot na paraan ng paggastos ng kaban ng bayan.
- Latest
- Trending
















