^

Balita Ngayon

2 estudyanteng Aprikano bugbog sa Baguio

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang Aprikanong estudyante ang binugbog ng mga kabataan sa isang bar sa Baguio City.

Nakilala ng mga pulis ang mga biktima na sina Rex Rami, 21 at Mozrecof Abduelzis, 19, kapwa nasa first year Information Technology students ng University of Cordilleras.

Binugbog ang dalawang Aprikano sa loob ng Red Lions Bar sa Barangay Salud Mitra bandang alas-5 ng madaling araw nitong Linggo.

Kaagad isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center ang dalawang biktima na kapwa nasa maayos nang kalagayan.

Nakilala lamang sa pangalang AA ang isa sa mga suspek.

Samantala, tumanggi naman ang dalawang Aprikano na sagutin ang pagtatanong ng mga pulis.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulsiya sa insidente.

vuukle comment

APRIKANO

BAGUIO CITY

BAGUIO GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BARANGAY SALUD MITRA

DALAWANG APRIKANONG

INFORMATION TECHNOLOGY

MOZRECOF ABDUELZIS

NAKILALA

RED LIONS BAR

REX RAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with