^

Konsehal sa Masbate patay sa pananambang

(The Philippine Star) - March 4, 2013 - 5:33pm

MANILA, Philippines – Utas ang isang konsehal sa Masbate matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek noong Linggo ng hapon ayon sa mga pulis.

Binawian agad ng buhay ang konsehal ng bayan ng Balud sa Masbate na si Ladislao Macuha, 66, habang sugatan naman si Florido Villalobos na tinamaan lamang ng ligaw na bala.

Bandang 3:30 ng hapon itinumba si Macuha sa Sitio Tambobo, Barangay San Andres, Balud, Masbate.

Isinugod si Villalobos sa Baud Municipal Hospital bago inilipat sa Masbate Doctors Hospital.

Hinala ng mga pulis na may bahid ng pulitika ang pamamaril sa konsehal.

BALUD BANDANG BARANGAY SAN ANDRES BAUD MUNICIPAL HOSPITAL BINAWIAN FLORIDO VILLALOBOS HINALA LADISLAO MACUHA MASBATE MASBATE DOCTORS HOSPITAL SITIO TAMBOBO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with