^

Balita Ngayon

RH bill pasado na sa bicam level

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pasado na sa bicameral level ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill matapos ang pulong ng mga miyembro ng komite ngayong Miyerkules.

Inihayag ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, miyembro ng House of Representatives' panel, ang pagpasa ng RH bill sa bicameral sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

"Clap clap clap. Tapos," sabi ni Baguilat, na co-author sa bersyon ng RH bill sa mababang kapulungan.
 
Ayon kay Baguilat, nangibabaw ang bersyon ng Senado sa ipinasang bersyon ng bicameral committee.

"Now accepting Senate versions just to fast track on RH bill. No big difference. Just that Senators feel their version is better written,"  sabi ni Baguilat.

Ilan sa magkasalungat na probisyon na pinagusapan ng grupo ay kung ang Department of Education ba ang aatasan na gumawa ng kurikulum  sa sex education sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ibabalik ng bicameral committee ang pinagtibay na panukala sa Kongreso para sa ratipikasyon bago dalhin kay Pangulong Benigno Aquino III para sa kanyang lagda.

vuukle comment

AYON

BAGUILAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOUSE OF REPRESENTATIVES

IBABALIK

IFUGAO REP

ILAN

PANGULONG BENIGNO AQUINO

REPRODUCTIVE HEALTH

TEDDY BAGUILAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with