^

Bansa

98 Chinese vessels nakapalibot sa West Philippine Sea

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 98 Chinese vessels ang namonitor ng Philippine Navy na nakapalibot sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Commodore Roy Vincent Trinidad, Spokesperson ng Philippine Navy sa WPS, ang sari-saring mga barko ng China ay namonitor sa WPS simula Mayo 7-13 ng taong ito.

Kabilang dito ang walong China Coast Guard Vessels (CCGVs), dalawang People’s Liberation Army Navy (PLAN) ships at 18 Chinese Maritime Militia Vessels (CMMVs) sa Scarborough Shoal na kilala rin bilang Bajo de Masinloc.

Nasa anim na CCGVs at 25 CMMVs naman ang nasa bisinidad ng Ayungin Shoal, dalawang CCGV’s, dalawang PLAN vessels at 24 CMMVs sa Pagasa Island. Idinagdag pa dito ang isang PLAN at dalawang CMMVs sa Kota Island, isang CMMV sa Likas Island, apat na CMMVs sa Panata Island gayundin ang dalawa pang CMMVs at isang Chinese cargo ship sa Patag Island.

Sinabi ni Trinidad na mas mababa ang nasabing bilang sa 105 Chinese vessels na namonitor sa nasabing teritoryo mula Abril 30 hanggang Mayo 6.

Samantala habang isinasagawa ang Phl-US Balikatan joint military exercises ay nasa 129 Chinese vessels ang namonitor sa lugar at nasa 108 na lamang ito matapos ang war games partikular na ang isinagawang ­Multilateral Maritime Exercises (MMEs) na nilahukan ng US Navy, French Navy at ng Phl Navy.

Nagpapatuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng Phl Navy sa teritoryo ng karagatan na nasasaklaw ng 200 ­milyang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with