^

Probinsiya

Davao City nilindol: 2 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawang babae ang iniulat na nasugatan makaraang madaganan ng bumigay na waiting shed nang yanigin ng 4.6 magnitude na lindol ang Davao City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense Region 11,  naghihintay ng masasakyan ang dalawa sa harapan ng Teodoro Palma Gil Elementary School sa kahabaan ng Elpidio Quirino Avenue nang nadaganan ng gumuhong waiting shed matapos ang 4.6 magnitude na lindol.

Agad namang sinaklolohan ng mga bystander ang dalawa saka isinugod sa pagamutan.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa 9-kilometro sa hilagang kanluran ng Davao City ang lindol na may lalim na 15 kms na hindi inaasahang magdudulot ng matinding pinsala.

Samantala, naramdaman din ang lindol sa Compostella Valley, Davao del Norte at sa mga lungsod ng Tagum at, Panabo.

Magugunita na noong Biyernes ng gabi (Pebrero 10) ay niyanig din ng 6.7 magnitude na lindol ang Surigao City kung saan umabot sa 8-katao ang namatay habang nasa 120 naman ang nasugatan.

vuukle comment

DAVAO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with