^

Dr. Love

Lihim na pagtulong

Associated Press

Dear Dr. Love,

Isa po akong guro sa high school. Nagkaroon po ako noon ng kaibigan sa panulat na isang dayuhan. Nakaisang taon din kaming nagsulatan hanggang mabuo ang aming long distance love affair.

Pero ang relasyong ito Dr. Love ay hindi nagtagal dahil sa hindi malamang dahilan. Bigla na lang siyang huminto sa pakikipag-komunikasyon sa akin.

Bagaman nasaktan ako dahil umasa ako sa pangako na darating siya para kami ay magpaka­sal, sinabi ko na lang sa sarili ko na talagang ganyan ang buhay.

Anyway, nagulat na lang po ako dahil sa hindi inaasahang panahon, tinawagan ako ni Richard dati po siyang US marine. Sinabi niyang nagpapasalamat siya dahil hindi ko pinalitan ang aking telephone number.

Nagbalitaan kami. Sinabi ko sa kanya na may aplikasyon akong mag-migrate sa Amerika at natanggap ako bilang teacher. 

Natuwa siya at nag-alok ng tulong para sa aking pagsisimula roon. Pero ang sabi niya ay huwag kong ipaalam sa iba ang pagbibigay niya ng pinansiyal na tulong.

Nag-alangan na po ako at nagduda sa kanyang motibo. Ano po ang dapat kong gawin?

Maraming salamat at more power.

Gumagalang,

Melissa

Dear Melissa,

Ang mabuti pa ay huwag mong tanggapin ang tulong sa naka-relasyon mo sa panulat. Tanggihan mo ito sa maayos na paraan, gamitin mo rin ang pagkakataon na mas makilala siya nang lubusan pagdating mo sa Amerika bago ka magtiwala sa kanya.

DR. LOVE 

vuukle comment

LONG DISTANCE LOVE AFFAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with