Trader pinabulagta ng tandem
November 20, 2016 | 12:00am
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ng riding-in-tandem assassins ang 53-anyos na trader na sinasabing drug suspek matapos itong ratratin sa Barangay Concepcion, bayan ng Cervantes, Ilocos Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. William Nerona, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP ang napatay na si Joselito Ambat na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Naisugod ng mga sumaklolo si Ambat sa Besang Pass Memorial Hospital subalit idineklarang patay.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended