^

True Confessions

Nunal (130)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ISAMA mo ako sa painting. Tayong dalawa at magkahawak ng kamay. Parang si Adan at Eba sa paraiso, he-he-he!’’

“Seryoso ka Robert?’’

“Oo.’’

“Kailangang mag-pose ka ng hubad at nakatalikod para makita ko ang anatomy mo. Mahirap kung basta imagination lang.’’

“Oo sige payag akong mag-pose ng hubad, kahit nakaharap pa, he-he-he.’’

Napahagikgik din si Mahinhin sa sinabi ni Robert.

‘‘Ano kailan mo umpi­sahan?’’

“Kahit bukas. Pero kailangan magtungo tayo sa may ilog para maging makatotohanan ang pagpaint ko. Popose ka nang hubad habang nakatalikod.’’

“Walang problema. Bukas, punta tayo sa ilog. What time?’’

“Mga 9:00 a.m. para hindi pa gaanong mainit.’’

“Okey. Pero sa palagay mo, kakasya pa ako sa frame?’’

“Oo naman. May space pa.’’

“Bilib na talaga ako sa’yo. Kaya mo magkahawak-kamay tayo.’’

“Oo naman.’’

“E ano kaya mag-pose ka rin nang nakahubad para gayang-gaya. Magkahawak tayo ng kamay habang walang saplot.’’

“Hoy Robert, sobra ka na! Baka may makakita sa atin dun.’’

“Baka lang naman puwede. Kung hindi e di hindi. Sa akin lang naman ay para maging makatotohanan ang pag-paint mo.’’

Nag-isip si Mahinhin.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with