^

True Confessions

Nunal (129)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BILIB na talaga ako sa’yo Mahinhin. Ang dating sira-sirang painting e naibalik mo sa dati. Bihira ang nakakagawa niyan,” sabi ni Robert habang nire-retouch ni Mahinhin ang obra.

“Merong mahuhusay mag-restore ng painting. Ang alam ko may mga works ang mga mahuhusay na artist gaya nina Juan Luna na ni-restore dahil may mga bahaging nasira.’’

“Ganun ba? Pero hindi katulad ng ginawa mo Mahinhin. Talagang sirang-sira ang painting mo pero naibalik mo sa dati.’’

“Siguro’y dahil sa mahal na mahal ko ang pain-ting na ito. Ito ang pinakamaganda kong nagawa.’’

“Oo nga. Para sa akin ito na ang best work mo.’’

“Kaya nga nang makita ko ang ginawa rito ng mga tauhan ni Tsekwa, talagang ipinangako ko na tutulong ako para madakip ang mga hayop na ‘yun. Akala siguro e basta-basta ang painting na ito. Pagdating ng panahon magiging collectors item ito. Tatawaran nang malaking halaga, pero sorry na lang lang sila dahil hindi ko ito ipagbibili. Sa akin lamang ang painting ni Mahinhin.’’

“Kahit bayaran ng mil­yon?’’

“Oo. Hindi ko ito ipagbibili kahit magkano.’’

“Talaga?’’

“Walang katapat na ha-laga ito. Parang pag-ibig ko sa’yo, walang kapantay.’’

Napaismid si Mahinhin.

“O bakit ka napaismid? Hindi ka naniniwala?”

“Naniniwala.’’

“Patunayan mo.’’

Sa pagkagulat ni Ro-bert, bigla siyang hinalikan ni Mahinhin sa labi. Gumanti si Robert. Naging mainit ang paghahalikan nila.

Nang bumitiw sila sa isa’t isa, ay kapwa humihingal.

Makaraan iyon, ipinagpatuloy ni Mahinhin ang pagtatrabaho sa painting. Hanggang may mapansin si Robert.

“Parang may kulang sa painting. Dapat siguro may idagdag.”

“Ano?’’ (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with