^

True Confessions

Nunal (128)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MASYADONG sinira ng mga tauhan ni Tsekwa ang obra mo, Mahinhin,” sabi ni Robert.

“Talagang sinira para hindi na pakinabangan. Nang makita ko ‘yan hindi ako nakapagsalita sa tindi ng galit.’’

Sinimulang tipunin ni Mahinhin ang mga bahagi ng painting na nasira. Parang nagbubuo siya ng jigsaw puzzle. Mahingat na pinagdugtung-dugtong ang mga bahagi.

“Makakaya ko itong i-restore, Robert. Tiyagaan lang.’’

“Talaga? Sabi ko na nga ba’t makakaya mo.’’
“Kailangan ko ng mga gamit Robert. Sa ngayon wala pa akong ibibili ng mga kailangan – oil paint, brush at iba pa.

“Alam ko ang kalaga-yan mo. Ako ang bahala sa lahat. Sabihin mo lang, Mahinhin.’’

Tumango si Mahinhin.

“Kung gusto mo e sa Maragooc mo na lang ito i-restore. Mas maganda ang klima sa probinsiya.’’

“Yan sana ang ipakikiusap ko Robert.’’

“Walang problema, Mahinhin. Pero bago mo gawin yan sa probinsiya e bakasyon grande muna kayo rito. Ipapasyal ko kayo. Marami tayong pupuntahan.’’

“Ikaw ang bahala, Robert.’’

“Gusto ko malimutan n’yong magkapatid ang masaklap na karanasan kay Tsekwa. Sobra ang dinanas mong trauma mula nang ma-rekord mo ang conversation.’’

“Tama ka, Robert. Hindi na ako natahimik mula nun.’’

“Kaya pasasayahin  ko kayo.’’

Ganun nga ang ginawa nila. Ipinasyal ni Ro-bert sa kung saan-saan. Pati sa Bohol, Boracay at Palawan ay nagtungo sila. Sulit na sulit ang pamamasyal nila.

At makalipas ang dalawang buwan ng ba­kasyon, bumalik na sa Maragooc sina Mahinhin at Bighani.

Sinimulan nang ga­win ni Mahinhin ang na­sirang painting.

Hanggang sa mabuo uli iyon.

Tuwang-tuwa si Ro-bert.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with