^

True Confessions

Nunal (113)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ITINUTOK ni Ro­bert ang cell phone sa pi­nagmulan ng kaluskos. At nakita niya ang likod ng isang tao. Isang babae! At kilala niya ang likod ng babae! Sino ang makakalimot sa hitsura ng babaing una niyang nakitang nagsasayaw sa Pugad-Uwak KTV club noon. Hindi lamang ang likod nito ang kabisado niya kundi pati na rin ang nunal sa kabila ng tuhod. Hinding-hindi niya ma­lilimutan ang babaing matagal niyang hina­nap at ngayon ay na­rito na sa harapan niya.

Hindi na makaka­pagkaila pa ang naka­talikod na babae. Iti­nutok niya ang cell phone sa likod.

“Huli ka!’’

Napaiktad ang nakatalikod na babae. Huling-huli!

Niyakap ni Robert. Hindi nga siya nagkakamali. Ito na nga ang babaing hinahanap niya.

“Mahinhin!’’

Saka dahan-da­hang­ humarap ang babae.

Si Mahinhin nga!

Tuluyan nang niya­kap ni Robert.

Napaiyak na si Mahinhin. Itinodo na ang pag-iyak.

“Narito ka lang pala, Mahinhin. Bakita nga­yon ka lang nagpakita. Marami nang nangyari.’’
Patuloy sa pag-iyak si Mahinhin.

“Matagal ka nang nagtatago rito?’’

Tumigil sa pag-iyak. Pinahid ang luha.

“Hindi pa nagta­tagal.”

“Nasaan ang kapatid mo – si Bighani.’’

“Dinala ko siya sa malayo. Natakot kasi akong madamay siya sa galit ng drug lord na si Tsekwa.’’

“Hinahanap na si Tsekwa ng PDEA. Malaki ang naitulong ng CD na nangga­ling sa iyo. Ikaw ang tatanggap ng reward, Mahinhin.’’

“Salamat sa pagtulong mo Robert.’’

Nagkatinginan sila. Naaninag ni Robert ang magandang labi ni Mahinhin.

Dahan-dahan niyang hinalikan.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with