^

True Confessions

Nunal (109)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SIGURADO kang usok ang nakita mo, Anto?’’ tanong ni Robert.

“Oo. Umaga ako nagtungo sa bahay ni Mahinhin. Wala naman akong balak magpunta pero dahil sinabi mo sa akin noon na tingnan ko ang bahay kung may panahon ako, ginawa ko. At nakita ko ngang may umuusok. Pero nang lumapit ako at sumilip sa kusina, wala namang tao.’’

Napahinga nang malalim si Robert. Saka napa­iling-iling.

‘‘Baka namalikmata ka lang. Akala mo usok pero fog pala.’’

“Hindi ako maaaring magkamali, Robert.’’

Napangiti na si Robert.

“Sige usok na kung usok. Sabagay maski ako, kung anu-ano ang nakikita dahil sa pag-aalala ko kay Mahinhin. Minsan nakakakita ako ng mga anino na sumusunod sa akin. Naiisip ko na baka pinatay na ng Tsekwa si Mahinhin at kapatid nitong si Bighani dahil hindi na natin sila makita. Sobra kasing galit ng Tsekwa kay Mahinhin dahil sa naka-rekord sa CD. Sabi naman ng PDEA, patuloy nilang hinahanap si Mahinhin. Malaking tulong kasi ang nagawa ni Mahinhin dahil sa CD. Maraming drug lord ang nahubaran dahil sa CD.’’

‘‘Wala ba talagang makuhang lead ang PDEA kung saan matatagpuan sina Mahinhin?’’

“Wala. Pero hindi raw sila titigil sa paghahanap kay Mahinhin.’’

“Pero ako e hindi naniniwala na patay na sina Mahin­hin at kapatid nito. Malakas ang kutob ko Robert.’’

“Salamat Anto. Pinalakas mo ang loob ko.’’

“Bukas, puntahan natin ang bahay nina Mahinhin. Malay mo matiyempuhan natin na may umuusok.’’

“Sige, Anto. Pero huwag tayong magiging relaks at baka sinusubaybayan tayo ng mga tauhan ni Tsekwa. Sabi ng PDEA chief maging alerto tayo. Ang mga masasamang loob daw ay laging naghihintay ng magandang pagkakataon.’’

“Sana isinama mo sina Nesto at asawa niya rito. Baka sila naman ang pagbalingan ng mga tauhan ni Tsekwa. Di ba sabi mo pinasok na ang bahay mo at ang inabutan ay ang asawa ni Nesto.’’

“Oo. Ako nga ang target nila. Sabi ni Cely ako ang hanap dahil nasa akin daw ang CD. Ikinulong si Cely sa CR pero nakatakas. Mabuti at napatay ng PDEA ang mga taong lumusob sa bahay.’’

‘‘Hindi kaya balikan sina Nesto at Cely?’’ (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with