PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (98)

NAKATAKAS si Cely habang abala sina Baldo sa pagsira sa painting ni Mahinhin.

Nang makalabas ng bahay, nagtatakbo si Cely. Kailangang makalayo siya. Tata­wagan niya si Robert kapag nakalayo na siya. Mabuti at nadala niya ang kanyang cell phone. Bilin sa kanya ni Robert, tawagan agad siya sakali at mayroong mangyari. Nagpapasalamat si Cely at wala ang kanyang anak. Nasa school ito at mamaya pang hapon ang uwi.

Binilisan pa niya ang pagtakbo. Sana ay may masalubong siyang mga nagpapatrol na pulis. Pero wala siyang makita. Pati mga tao sa kalye ay wala siyang makita. Nagtataka siya.

Nang mga sanda-ling iyon ay nakalabas na ng bahay sina Baldo at ang dalawang tauhan.

“Bilisan n’yo! Habulin n’yo ang babae. Hindi pa yun nakakalayo. Delikado tayo kapag nakatakas ang babae. Mahuhuli tayo.’’

Tumakbo ang dalawang lalaki at nakabuntot si Baldo. Hinihingal na siya dahil sa pagtakbo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hanggang sa matanaw nila si Cely na patuloy na nagtatakbo.

“Ayun yung babae! Bilis habulin n’yo!’’ Sigaw ni Baldo sa dalawang tauhan.

Mabilis na hinabol si Cely.

Pero matibay ang determinasyon ni Cely na huwag tumigil sa pagtakbo. Hindi siya magpapahuli sa grupo. Kahit anong mangyari, hindi siya magpapapahuli.

Hanggang sa makarating siya sa bahagi ng kalsada na hinuhukay at nilalagyan ng culvert. Nakita niya ang culvert na wala pang takip. Magkakasya siya roon.

Mabilis siyang pumasok doon!

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: