PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (95)

“PAANO kung puma-­lag yung si Robert, Bossing? Anong gagawin namin?’’ tanong ng kanang-kamay na si Baldo kay Scarface Tsekwa.

“Alam mo na ang ga­gawin pero huwag ga­win n’yong disimulado at hindi ako masasabit. Kapag suma­bit ako,  ma­nanagot ka Baldo.’’

“Areglado Bossing.’’

“Basta ang mahala­ga e makuha n’yo ang CD. Nasa CD ang con­versations namin ng drug lord na si Mr. Chen sa HK. Malaking shipment ng shabu ang da­rating at idadaan yun sa Customs. Kaya hindi lang ako ang masasabit kundi pati na ang Customs chief. Nasa CD ang lahat nang lihim.’’

“Maliwanag Bossing.’’

“Sige magsama ka ng tatlong tauhan. Mamayang gabi, puntahan n’yo na!’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

‘‘Yes Bossing!’’

SAMANTALA, paalis sina Robert at Nesto ng araw na iyon para magtungo sa Maragooc. Nakatanggap si Robert ng tawag mula kay Anto at nagsasabing pumunta ito sa Maragooc dahil may mahalagang sasa­bihin. Hindi puwedeng sabihin sa telepono at baka may makarinig.

Agad naghanda ang dalawa sa pag-alis. Pinagbilinan ang asawa ni Nesto na si Cely na laging isara ang pinto. Huwag magpapapasok ng kung sino.

KINAGABIHAN, apat na lalaki ang kumatok sa bahay ni Ro-bert at nagpakilalang mga pulis.

“May search warrant kami. Maghahalug­hog kami.’’

“Hindi po puwede!” Sa-bi ni Cely.

Tinutukan siya ng baril.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: