^

True Confessions

Nunal (76)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MABIGAT ang dahilan kung bakit kailangang magtago si Mahinhin. Ma­aaring may alam siya sa kinaroroonan ng droga ni Tsekwa. Hindi siya magtatago kung hindi mabigat ang problema.

Pero bakit kaya hindi sinabi sa kanya ang tungkol dun. Naikuwento na rin lang sa kanya ang tungkol sa buhay nito at ang mga pagpapakasakit para mapag-aral si Bighani ay kung bakit nilihim pa ang tungkol kay Tsek­wa. May peklat palang malaki sa kaliwang pis­ngi si Tsekwa dahil sa paghampas ni Mahinhin.

Siguro, pinag-isipang mabuti ni Mahinhin ang gagawin at ang pag-alis na lamang o pagtatago ang ginawa. Naisip ni Ro­bert, sana, sinabi sa kanya ni Mahinhin ang lahat para natulungan niya. Hindi gaya ngayon na wala siyang ideya kung saan makikita si Mahinhin. Sana, maisipan nitong i-text siya para gumaan na­man ang loob niya. Iba ang nararamdaman niya para kay Mahinhin. Sana magpakita na si Mahinhin sa kanya.

ISANG araw, nakarinig si Robert ng tawag mula sa labas ng bahay.

Nang tingnan niya, si Nesto.

“Halika Nesto pasok.’’

Pumasok si Nesto.

“Ano ang balita, Nesto?

“May dala akong retrato ni Tsekwa, Sir Ro­bert. Para makita mo ang itsura niya.”

Ipinakita ni Nesto. Ma­laki at mahaba ang pek­lat ni Tsekwa.

“Saan mo nakuha ang picture, Nesto.’’

“Naghalungkat ako sa bahay. Mabuti at naitabi ko.’’

“Madali palang maki­lala ang tsekwa dahil sa peklat.”

“May nasagap akong balita Sir Robert na pi­naghahanap na si Tsekwa. May nakapatong daw na pera sa ulo sa sinumang ma­kakahuli rito.

 (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with