^

True Confessions

Nunal (57)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Mahinhin sa pagkukuwento tungkol sa ginawa sa kanya ng Tsekwa na may-ari ng Pugad-Uwak KTV club.

Palabas na raw siya sa room nang maabutan siya ng Tsekwa at nahawakan sa balikat. Kahit may sugat sa noo ay malakas pa rin.

“Nagpipiglas ako para makawala. Sabi ng Tse­kwa, pumayag na raw ako sa gusto niya. Lahat daw ay ibibigay niya sa akin. Hindi raw ako magsisisi. Anumang gusto ko ay sabihin lang daw at ipagkakaloob niya. Tala­gang patay na patay daw siya sa akin.

“Pero malakas na pagtanggi ang sagot ko sa Tsekwa. Sabi ko, hindi ko kailangan ang pera niya. Sabi ko tatawag ako ng pulis kapag hindi niya ako pinakawalan. Pero lalo siyang nagalit. Hindi raw ako tutulu­ngan ng pulis. Nakatimbre na raw siya. Huwag na raw akong magpakipot pa dahil wala na akong ma­gagawa.

“Pero ang hindi alam ni Tsekwa, nag-iisip na ako ng paraan kung pa­ano makakawala sa pag­kakahawak niya. Tumi­yempo ako. Bigla ko siyang siniko sa sikmura. Dahil matanda na, napaupo siya. Hinahabol ang hininga.

“Sinamantala ko ang pagkakataon. Mabilis kong nabuksan ang pinto at nakalabas. Walang tigil ang pagtakbo ko. Hanggang sa makakita ako ng taxi. Kinawayan ko. Lumapit at mabilis akong sumakay. Sabi ko sa drayber, sa bus terminal. Sa isip ko nun, bahala na. Basta ang mahalaga ang maka­alis ako sa bahay na iyon.”

 

 

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with