^

True Confessions

Nunal (47)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MALIWANAG na para kay Robert ang lahat. Pinaniwala ni Mahinhin o ni Bianca ang kapatid na si Bighani na ang trabaho nito sa Maynila ay isang artist. Kung alam lamang ni Bighani na isang dancer si Hinhin sa isang KTV club at star ito roon.

Pero hindi niya iyon ipagtatapat kay Bighani. Ayaw niyang masaktan ito. Ayaw niyang masira ang pagkakakilala ni Bighani sa kanyang Ate Hinhin.

“Napakabait ni Ate Hinhin. Siya ang nagpaaral sa akin. Kaga-graduate ko lang last March. Mabuti nga at nakatapos na ako saka nagsara ang kompanya ni Ate. Kung halimbawa at hindi pa ako nakakatapos, hindi ko alam kung paano ako tutustusan ni Ate.’’

“Anong natapos mo, Bighani?’’

“Banking and Finance.’’

“Balak mong sa banko magtrabaho?’’

“Oo. Nag-aaplay na nga ako. Sana may tumanggap sa akin.’’

“Sa Maynila ka mag-aplay. Mas maraming opportunity doon.’’

“Yun nga ang balak ko.’’

Napahinga nang malalim si Bighani.

“Kaya gusto ko nang magka-work ay para si Ate naman ang tutulungan ko. Ibabalik ko ang mga nagastos niya sa akin. Alam kong noong nasa Maynila siya ay halos hindi na siya nagpapahinga. Marami rin daw siyang sideline para madagdagan ang kita at maipadala sa akin dito. Walang katulad si Ate. Kung mayroon man akong tao na labis na pinakamamahal, iyon ay walang iba kundi si Ate Hinhin.’’

“Nasaan nga pala ang magulang n’yo?’’

“Patay na sila pareho. Halos magkasabay namatay sina Tatay at Nanay. Kaya kay Ate Hinhin na­atang ang pagpapaaral sa akin. Pero sa awa ng Diyos, nakaya ni Ate. Hanga ako kay Ate Hinhin.’’

Makalipas ang isang oras ay nagpaalam na si Robert. Hindi na muling lumabas pa sa kuwarto si Hinhin alyas Bianca.

“Aalis na ako Bighani. Salamat sa pagtanggap mo sa akin. Puwede ba akong bumalik uli para makipagkuwentuhan.’’

“Oo naman. Pasensiya ka na kay Ate at busy sa pagpipinta.’’

“Okey lang, Bighani. Sige babalik na lang uli ako.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with