^

True Confessions

Nunal (37)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PINAGMASDANG ma­buti ni Robert ang bahay na pinasok ng babaing may nunal sa likod ng tuhod. Maayos ang bahay. Konkreto at yero ang bubong. Nakakaluwag-luwag marahil sa buhay ang may-ari. Karaniwang ang nakikita niyang bahay dito sa Maragooc ay yari sa ka­wayan at ang bubong ay kugon o kaya’y pawid. Meron pa ngang maliit lang na kubo. Kaya nagtataka siya na maayos ang bahay ng babaing may nunal sa likod ng tuhod.

Pagkaraang tanawin ang bahay, ipinasya ni Robert na umuwi na. Mayroon na siyang ikukuwento kay Anto. Tiyak na magugulat si Anto sa ibabalita niya.

Nagluluto si Anto ng kakainin nila sa tanghalian nang dumating siya.

“Anto, good news!’’

“Anong good news?”

“May nakita na akong babae na mayroong nu­nal sa likod ng tuhod.’’

“Talaga? Saan?”

“Sa ilog! Naligo ang babae. Nag-iisa siya. Siya rin yung nakita ko kahapon. Pero wala siyang kasama ngayon. Nang tumalikod para magbihis, nakita ko ang nunal sa likod ng tuhod.’’

“Nakipagkilala ka?’’
“Hindi pa. Sinundan ko lang at inalam kung saan naka­tira. Nakita ko. Ma­ayos ang bahay nila. Konkreto.’’

“Ah baka nag-Saudi ang may-ari o nag-Italy. Marami rin kasing abroad dito at nakaaangat ang buhay.’’

“Samahan mo ako Anto para makilala ang babae.’’

“Sige, madali lang ‘yan.’’

“Gusto kong ma­kilala at baka makawala pa.’’

“Oo nga. Sige at sasamahan kita.’’

“Gusto ko ma­mayang hapon na tayo magpunta.’’

Hindi nakasagot si Anto.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with