^

True Confessions

Nunal (32)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SINO kaya ang dalawang babaing iyon? At saka bakit biglang nawala habang na­liligo?

Iyan ang naiisip ni Ro­bert habang nag-iihaw ng karneng baboy. Hindi ma­alis-alis sa isip niya ang tagpo kanina.

Hanggang sa isang balak ang nabuo niya, bukas ay pupunta uli siya sa Ilog Pola para makita ang mga babae. Maaaring doon sila regular na naliligo.

Pero baka mapahamak siya sa gagawin. Baguhan siya rito at kung may makahuli sa kanya habang sinisi­lipan ang dalawang babae, baka problema lang abutin niya. Kakahiya kay Anto kung malalaman nito na na­nilip siya.

‘‘Sunog na yan, Robert, ha-ha-ha! Baliktarin mo!’’

Nagulat siya sa sinabi ni Anto. Sunog na nga ang kanyang iniihaw. Nalibang siya sa pag-iisip dahil sa dalawang babae na nakitang naliligo.

Binaliktad niya ang karne.

“Bawasan mo ang baga para hindi masunog. Masarap ay dahan-dahan ang pagluto,” sabi pa ni Anto.

Sinunod niya ang payo ni Anto.

Naluto nila ang mga pagkain. Bukod sa inihaw na baboy, nag-ihaw din ng isda si Anto. Naglaga ng tadyang ng baka.

“Aba ang sarap ng tanghalian natin. Kailangang tik­man muna natin itong nabili kong imported na Tirador para masarap ang kain.’’

“Sige Anto. Masubukan nga ang Tirador na ‘yan.’’

Binuksan ni Anto at nag-inuman sila.

“Masarap nga itong Tirador, Anto. Banayad ang hagod sa lalamunan.’’

“Mura lang ito pero imported.’’

“Baka malasing agad ako.’’

“Dahan-dahan lang.’’

Sunud-sunod ang tagay nila.

Naging masarap ang kuwentuhan nila.

“Siyanga pala, bakit ang tagal mong dumating kanina, Robert. Saan ka ba na­mas­yal?’’

“Sa tabing ilog. Ang ganda pala roon. Nalibang ako.’’

‘‘Oo. Maganda talaga roon. Mayroon kang nakitang naliligo ano?’’

Nagulat si Robert. Alam ni Anto na may naliligo sa ilog.

“May nakita nga ako, Anto. Dalawang babae. Pero ang pinagtataka ko, big­lang nawala nang muli kong ting­nan. Dinaya yata ako ng pa­ningin ko.’’

Biglang nagtawa si Anto.

“Bakit ka nagtawa, Anto?’’

“Baka mga engkantada ang nakita mo. Pinaglaruan ka!’’                   

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with