^

True Confessions

Nunal (19)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SINUBUKAN ni Robert na hanapin sa Facebook si Bianca. Malay niya, makita roon ang hinahanap na babaing may nunal sa likod ng hita.

Pero napakara­ming may pangalang “Bianca”. Inisa-isa niya. Bakasakali matiyempuhan niya. Karamihan ay mga foreigner ang lumutang na may name na “Bianca”. Pi­nagtiyagaan pa rin niyang hanapin. Wala talaga. Kahit si­guro mapudpod ang kanyang mga daliri sa keyboard ay walang lulutang nang hi­nahanap niyang “Bianca”.

Kaya nagkaroon ng konklusyon si Robert na ang pangalang ‘‘Bianca’’’ay alyas lamang. Para maitago siguro ang pagiging dancer sa KTV kaya nagbago ng pangalan. Narinig niya noon pa, na ang mga binibigay na pangalan ng mga dancer sa club ay alyas lamang. Kaya kahit na ano pang sigasig ang gawin niyang pag­hahanap, hindi niya makikita si Bianca dahil hindi ito ang tunay niyang pangalan.

Nag-isip si Robert ng paraan kung paano mahahanap si Bianca. Hindi siya susuko. Hindi siya ang tao na basta aayaw sa isang nasimulang trabaho.

Muli siyang nagbalik sa Pugad-Uwak KTV Bar. Baka isang araw ay nagbalik doon si Bianca. Kung mayroon mang babalikang lugar si Bianca, iyon ay ang Pugad-Uwak.

Agad siyang nila­pitan ng paboritong waiter.

‘‘Sabi na nga ba’t babalik ka Sir. Ang lakas talaga ng kutob ko.’’

‘‘May balita na ba kay Bianca?’’

“Wala pa rin Sir!’’

“Akala ko pa naman, meron na.’’

‘‘Wala talaga Sir. Hayaan mo at kapag may nalaman ako, irereport ko sa’yo. Ibigay mo sa akin ang cell number mo.’’

“Mabuti pa nga.’’

Ibinigay niya ang number sa waiter.

“Kapag may naireport kang maganda, paldo ka!’’

“Okey Sir. Hayaan mo at gagawa ako ng paraan.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with