^

True Confessions

Nunal (9)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SHOCKING ang mga ginawa ng dancer na may nunal sa likod ng hita. Ito nga raw ang pinakamahusay na dancer kaya naman laging pumuputok sa dami ng tao ang KTV bar. Napansin ni Robert na nakaluwa lahat ang mga mata ng mga lala­king customer sa mahusay na dancer.

Sino ba naman ang hindi matutulala sa ginagawang pagliyad-liyad ng dancer na ang kaangkinan ay halos maaari nang mahalikan. Mara­ming napa-ahh nang tu­malikod ang dancer at saka tumuwad.

Ang dalawang kasama ni Robert ay walang kakurap-kurap. Ayaw nilang may makalampas kahit kaunti sa ginagawa ng dancer. Kailangan ay kumpleto ang imahe na irerewind na lang nila sa utak kapag kailangan. Sayang kapag nakalampas ang mga ginagawa ng dancer.

Si Robert, bagamat na-shock sa ginawa ng dancer ay mas matimbang pa rin ang nunal na nakita niya sa hita nito. Naagaw ng  nunal ang “kaangkinan­” ng dancer. Maganda ang “ipinakita” ng dancer pero mas may interes si Robert sa nunal nito sa likod ng hita. Ano kaya ang kahulugan niyon?

Hanggang matapos na ang palabas ng dancer.

Umorder pa sila ng beer at pulutan.

Marami pang sumalang na ibang dancer. At walang nakitang nunal si Rober sa dami ng mga “naghubad” sa entablado.

Nang malasing na ang dalawang kasama, nagyaya na si Robert. Baka masobrahan ang dalawa e siya pa ang maghatid sa mga ito.

Habang lumalabas sa KTV ay may iniisip si Robert. Babalik ako rito para maghanap ng ba­baing may nunal sa likod ng tuhod.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with