^

True Confessions

Nunal (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PANININDIGAN na ni Robert ang paghahanap ng babaing gustong makasama habambuhay pero kailangang iyon ay may nunal sa likod ng tuhod. Naniniwala siya sa sinabi ng kanyang mama at nang nabasa sa internet na ang mga babaing may nunal sa likod ng tuhod ay perfect na partner habambuhay. Ang mga babaing may nunal doon ay madaling makasundo ninuman at may malawak na pagtingin sa buhay. Bukod doon, malambing din ito.

Ganun man, ililihim ni Robert kanino man ang kanyang ginagawang pamantayan sa paghahanap ng babaing makakapartner sa buhay. Baka pagtawanan siya at sabihang weird. Baka ulanin siya ng kung anu-anong biro. Ang mga kasamahan pa niya sa advertising agency na kanyang pinagtatrabahuhan ay masyadong masakit kung magbiro. Kaya ililihim niya ito nang buong linis. Sasa­rilinin na lamang niya ang mga balak sa paghahanap ng babaing makakapartner sa buhay. Maski sa kanyang kapatid sa Australia ay hindi niya sasabihin ang ginagawang paghahanap sa babaing may nunal sa likod ng tuhod.

Para mapadali ang kanyang paghahanap, hindi na niya ginagamit ang kotse sa pagpasok sa opisina. Nagta-taksi siya o kaya’y nagdidyip. At bababa siya kahit hindi pa doon ang destinasyon. Maglalakad na lamang siya at mag-o-overpass para maraming makasabay sa paglalakad. Sa ganoong paraan, ma­aari siyang makakita ng ba­baing may nunal sa likod ng tuhod.

Minsan, isang umagang papasok sa trabaho, naglalakad siya nang may masundang babae na halatang empleada sa banko. Malayo pa, nakita niyang may nunal ito sa likod ng tuhod. Maitim na maitim ang nunal kaya madali niyang nakita.

Sinundan niya ang babae.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with