^

True Confessions

Damo sa Pilapil (143)

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

“MAGKANO ang kinikita ninyo sa pag-uuling?” tanong ni Dulce sa dalawang bata.

Si Mateo ang sumagot. Bibong bata si Mateo sa tingin ni Dulce.

“Depende po. Kung minsan po ay one hundred at kung minsan ay two hundred pesos. Mas malaki po ang kita sa uling kaysa pagtitinda ng talbos ng kangkong at malunggay.’’

“Yung kinita ang baon n’yo sa school?’’

“Opo. Pag may sobra po ay binibili namin ng bigas at sardinas. Kasi po kung minsan ay walang kita si Inay sa paggagamas dahil marami nang nagpapaupa.’’

Napatangu-tango si Dulce. Humahanga siya dalawang ito. Ngayon lamang siya nakatagpo ng mga bata na nagbabanat ng buto. Alam niyang sa Maynila ay may mga bata ring ganito pero ang pagpapalimos sa kalye ang pinagkakakitaan. Mas nakahahanga itong sina Mateo at Noime.

“Halikayo, Mateo, Noime!”

Bantulot ang dalawa. Hindi inaasahan ang pagyayaya ni Dulce.

“Huwag na kayong mahiya. Halikayo rito sa kubo.’’

Hinawakan ni Dulce sa braso si Noime. Napasunod si Noime. At napasunod na rin si Mateo.

Pumasok sila sa loob ng bakuran.

“Iwan mo muna diyan sa may tarangkahan ang sako mo, Mateo. Halikayo sa loob ng kubo at may ibibi­gay ako sa inyo.’’

Ibinaba ni Mateo ang sako at sumunod kina Dulce at Noemi sa kubo.

Inilabas ni Dulce ang mga tinapay at palaman. Nilagyan ng palaman ang mga tinapay at iniabot sa dalawa.

“Kumain muna kayo. Alam ko, nagugutom kayo.”

Kinuha ni Mateo ang ti­napay.

“Salamat po Mam. Nagugutom na nga po kami.’’

“Teka at ipagtitimpla ko kayo ng gatas at tsokolate. Sandali lang.’’

Mabilis na nagtimpla si Dulce sa dalawang mug. Umuusok pa nang iabot sa dalawa.

“Uminom kayo ng gatas para lumakas ang katawan. Kumain pa kayo ng sandwich at marami pa rito.’’

“Salamat po uli Mam.’’

“Ako nga pala si Mam Dulce. Anong oras nga pala ang pasok ninyo sa school?’’

“Mamaya pa pong hapon?’’

“Sige ipaghahanda ko kayo ng mababaon. Pagdadalahin ko rin kayo ng bigas at corned beef para ibigay sa inay n’yo. At bukas ng umaga, magtungo kayo rito at mayroon akong ipagagawa sa inyo, okey?’’

“Opo Mam Dulce.”

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with