^

True Confessions

Damo sa Pilapil (124)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAHAL ko ang aking asawa, Janice, mahal na mahal. Wala siyang makakapantay kaya kahit ano pang panunukso ng kung sinong babae e wa epek sa akin. Hindi ko maipagpapalit si Dulce sa kahit sinong babae. Kaya nga nang “maamoy” ko ang iyong balak, napangiti na lamang ako. Hindi magtatagumpay ang sinuman para kami paghiwalayin o kaya’y pag-awayin ng aking­ asawa.’’

Sa mga sinabi ni Zac ay parang nakatuntong sa ulap si Dulce. Mas­yado siyang nasiyahan sa sinabi ni Zac. Ano pa ba ang hihilingin niya sa lalaking ito na maraming beses nang ipinakita ang labis na pagmamahal sa kanya.

Kinuha niya ang kanang palad ni Zac at pinisil nang pinisil.

“Sana Janice, matuto ka na pagkaraan nito. Hindi na ako galit sa’yo pero mangako na hindi mo na ito gagawin. Hindi ka na rin magpapagamit sa taong may masamang intensiyon. Pinatatawad ka na namin.’’

Napahagulgol si Janice.

Nang tumigil ay labis-labis ang pasasalamat.

“Salamat po nang ma­rami sa inyong mag-asawa. Hindi na po ito mauulit. Pangako po. Salamat po sa pagpapatawad. Aalis na po ako.’’

“Sige Janice.’’

Umalis na si Janice.

Pumasok naman sa loob ang mag-asawa.

Hawak pa rin ni Dulce ang palad ni Zac.

“Love, bakit mahal na mahal mo ako?’’

“Basta, yun ang nararamdaman ko at mana­natili kahit kailan.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with