Damo sa Pilapil (115)
“MAY naka-schedule rin akong meeting tomorrow, Janice. Sorry.’’
“Ay sayang! Kailan ka kaya maimbitahan for lunch Sir Zac?’’
“Hindi ko alam. Halos araw-araw, puno ang sked ko.’’
“Sir baka naman Sunday puwede ka. Sige na Sir Zac.’’
‘‘Ooops Family Day yan. Lalo akong hindi puwede.’’
“Married ka na Sir Zac.’’
“Oo.’’
“Ay sayang! Pero Sir umaasa pa rin ako na pagbibigyan mo ako na maka-lunch ka.’’
“Sige pero hindi ako nangangako.’’
‘‘Hindi ako susuko Sir Zac. Yung matitiyaga ang laging nagtatagumpay.’’
“Okey, good luck.’’
Napailing-iling si Zac. Talagang malaki ang pagkagusto sa kanya ni Janice. Parang hindi na tungkol sa iniaalok na printing machines ang kanyang pakay. Nag-isip si Zac. Parang may ibang agenda ang babaing iyon.
ISANG araw, kararating lamang niya sa opisina nang may mag-text sa kanya. Nang basahin niya, galing ang message kay Janice. “HI SIR ZAC. PUWEDE KA BA NGAYON SA LUNCH? PLEASE. KAHIT SANDALI LANG.’’
Napailing-iling si Zac. Ayaw talaga siyang tantanan ni Janice.
Sinagot niya: “SORRY JANICE, MAYROON AKONG LAKAD MAMAYA.’’
Hindi na sumagot si Janice. Saloob-loob ni Zac, titigil na ito sa pag-text o pagtawag sa kanya.
Pero nagkamali si Zac dahil kinabukasan, tinawagan uli siya ni Janice. Kararating lamang niya sa office nang mag-ring ang phone niya.
‘‘Hi,Sir Zac. Di ba sabi ko sa’yo hindi ako susuko. At ang matitiyaga ang nagwawagi. Sige na Sir, lunch na tayo mamaya. Kahit sandali lang. Gusto ko lang talagang ipresenta ang product namin. Sige na Sir.’’
“Hindi talaga ako puwede Janice. Sana maintindihan mo na napaka-busy ko. Mahalaga ang oras sa akin. Kung gusto mo, ang Vice President na lang ng kompanya ang ipadala ko para sa kanya mo ipaliwanag ang lahat. Mahusay ang VP namin.’’
Pero umiyak na si Janice. Narinig ni Zac ang hikbi at singhot.
Parang nadurog ang puso ni Zac. Parang naaawa siya. (Itutuloy)
- Latest