^

True Confessions

Damo sa Pilapil (112)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MINSAN, nagyaya si Dulce na mag-abroad sila ni Zac. Mula nang ikasal sila, hindi pa nila nararanasang mangi­bang bansa.

“Abroad tayo Love? Di ba nasabi ko nun na lumabas naman tayo ng bansa.’’

“Sige. Kaya lang inaalala ko ikaw, baka mapagod ka na naman. Baka pagbalik natin, lantang gulay ka na naman at sumasakit na naman ang ulo. Naa­awa ako sa’yo.’’

“Siguro kapag ka­sama kita, hindi sasakit ang ulo ko. May aalalay na kasi sa akin.’’

“Sabagay. Kailan mo gustong umalis tayo?”

“Next week. Bangkok muna tayo and then, Japan.’’

“Sige. Makakalabas­ din ako ng bansa. Ma­ga­gamit din ang passport ko.’’

“Siguro ngayon lang magiging masaya ang pag-aabroad ko. Kahit na kasi madalas akong mangibang bansa nun, hindi ako nasisiyahan. Kulang sa pakiramdam ko.’’

“Paliligayahin kita habang nasa ibang bansa tayo.’’

Kinurot ni Dulce sa braso si Zac.

 

BANGKOK, Thailand. Sa Grand Palace muna sila unang nagpunta. Nakita nila ang nakahigang Buddha. Namalas nila ang mga nagtataasang temple na kulay gold.

Makaraan iyon ay ang pamamasyal sa mga malalaking department store – gaya ng Siam Pa­ragon at sinubukan nilang sumakay sa tuktok. Pinuntahan nila ang lahat nang kainan at tinikman ang mga pagkaing Thai.

Isang araw silang hindi lumabas sa kuwarto­ ng kanilang tinirhang hotel. Nagmahalan lang sila buong maghapon.

Totoo ang sinabi ni Dulce. Hindi sumakit ang kanyang ulo. Hindi siya napagod. Dahil ka­sama niya si Zac.

Pinakamasayang bakasyon sa abroad ang naranasan nila.

 

ISANG umaga, abala si Zac sa kanyang opisina. Nang may babaing dumating. Maganda, seksi at charming.

“Good morning Sir,” bati ng babae. Pati boses ay seksi.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with