^

True Confessions

Damo sa Pilapil(83)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG makaalis si Bogs, pakiramdam ni Zac ay nanalo siya. Naibuhos niya ang lahat nang inis sa ma­tandang ‘yun. Kung nagpilit itong puma­sok ay baka nasapak niya. Mabuti na lang at umalis. Nakaganti siya kahit paano sa pagtawag nito sa kanya ng “boy”. Pero nagbanta ito sa kanya. May araw din daw siya kapag nagkita sila. Hindi siya nata­takot.

Biglang lumabas­ si Mam Dulce. Hala­tang nagwo-worry.

“Nasaan ang Bogs na ‘yun?’’

“Umalis na! Nagkasagutan kami. Akala siguro ay uurungan ko siya.’’

Lalong nag-worry si Dulce.

“Anong sabi sa’yo?’’

“Nagpipilit puma­sok at may sasabihin daw sa’yo pero pinigilan ko. Nagalit. Binantaan pa ako. Magkikita pa rin daw kami.’’

“Sobra na ang Bogs na ‘yun.’’

“Hindi naman ako natatakot sa kanya.’’

“Sorry Zac, nadada­may ka rito.’’

“Okey lang yun Mam. Sino pa ba ang magtatanggol sa’yo.’’

“Kasi’y baka nga gawin ang banta. Kaya mag-iingat ka.’’

“Nakahanda ako sa kanya. At huwag na huwag siyang babalik dito dahil may mangyayari sa kanya.’’

“Mag-ingat ka Zac. Baka may mangyari sa’yo. Sana hindi ko na lang hinayaang du­malaw dito ang Bogs na ‘yun. Pati ikaw, nadamay.’’

“Okey nga lang Mam.’’

“Basta ang payo ko, mag-ingat ka, Zac. Ayaw kong may mangyayari sa’yo.’’

“Teka yung plano natin, Mam sa Encar­nado Resort, tuloy natin ha?’’

“Oo. Tuloy tayo.’’

“Isasama ba natin si Manang Cion?’’

“Oo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with